Retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa international travelers, inaprubahan ng IATF

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international traveler.

Tinukoy dito ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang resolution 157 na ipinasa noong Huwebes.

Sa ilalim ng IATF Resolution 157-E, ang testing at quarantine protocols para sa mga green at yellow list countries ay dapat na mai-apply sa mga darating sa Pilipinas sa o bago ang January 13, 2022.


Nilinaw din ng IATF na papayagang makapasok sa bansa ang mga dayuhang manggagaling sa red list countries basta’t mayroon silang valid o existing visa.

Ang pagpasok nila sa bansa ay subject sa immigration laws, rules at regulations ng bansa.

Una nang inalis ng bansa ang ban sa pagpasok ng mga qualified travelers mula red list countries o mga bansang may mataas na banta ng COVID-19.

Ayon naman kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tanging mga Pilipino, balikbayan at may long term visa lamang ang papayagang pumasok sa Pilipinas.

Simula naman sa February 16, lahat ng foreign nationals na pinayagang makapasok sa bansa ay hahanapan na ng proof of full vaccination.

Facebook Comments