Nag-abiso sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang Philippine Embassy sa Singapore na kasama na rin sila sa obligadong sumailalim sa sampung araw na quarantine kapag uuwi ng Pilipinas.
Ito ay matapos na maalis na rin ang Singapore sa mga bansang nasa green list.
Nangangahulugan ito na hindi na pitong araw ang mandatory quarantine ng Returning Overseas Filipinos (ROFs) mula sa Singapore.
Ito ay kahit na sila ay fully vaccinated na sa Singapore.
Sinuspinde rin muna ng Philippine Overseas Labor Office o POLO ang validation ng vaccination card ng mga Pinoy na magmumula sa Singapore.
Facebook Comments