Returning Overseas Filipinos na nabakunahan na sa abroad, sasailalim pa rin sa RT-PCR test sa Pilipinas

Mananatili ang kasalukuyang protocols ng Department of Health (DOH) sa Returning Overseas Filipinos (ROFs).

Ayon kay Heath Usec. Ma. Rosario Vergeire, ito ay kahit nabigyan na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 ang ROFs.

Iginiit ni Vergeire na wala pa kasing ebidensiya na nagpapakita na napipigilan ng mga bakuna ang pagkakaroon ng COVID-19 ng isang tao.


Dahil dito, sasailalim pa rin aniya sa quarantine at RT-PCR test ang mga dumarating sa bansa na overseas Filipinos.

Una nang iginiit ng DOH na 14 na araw pa rin ang quarantine period na kukumpletuhin ng uuwing mga Pinoy mula sa ibang bansa.

Facebook Comments