REUNITED | 90 pamilya mula SoKor, muling nakasama ang nahiwalay nilang kaanak

Aabot sa 90 pamilya mula North at South Korea ang muling nagkasama.

Puno ng emosyon ang muling pagkikita ng mga miyembro ng bawat pamilyang nagkahiwalay nang higit anim na dekada dahil sa Korean War.

Aabot sa 330 South Korean mula sa 89 na pamilya ay muling nayakap at nakasama ang 185 nahiwalay nilang kaanak sa North.


Ang reunion ay itinakda ng kabuoang 11 oras sa loob ng susunod na tatlong araw sa tourist report sa North na Mount Kumgang.

Nagkasundo rin sina North Korean Leader Kim Jong-un at South Korean President Moon Jae-in na magkaroon pa ng mga susunod na reunion.

Facebook Comments