REVAMP | Malawakang balasahan sa PNP, ibinatay sa rekomendasyon ng PNP Oversight Commitee

Manila, Philippines – Ibinatay sa rekomendasyon ng Philippine National Police Oversight Committee ang isinagawang malawakang balasahan sa hanay ng Pambansang pulisya at hindi personal na pinili ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Ito ang nilinaw ni outgoing PNP Spokesman at incoming PRO 6 Director C/Supt John Bulalacao

Aniya ang PNP Oversight Committee ang nagevaluate ng mga qualipikasyon ng mga opisyal at naitalaga sa mga bagong pwesto.


Paliwanag ni Bulalacao, ang dahilan ng malawakang pagbalasa ay ang pagreretiro ng 3 police director generals, 3 police directors, at ang regular reshuffle ng mga Regional directors na tumagal na ng 2 taon sa pwesto.

Kabilang sa mga opisyal na nabigyan ng bagong Assignment sina:

PDIR Camilo pancratius CASCOLAN- Director, Civil Security Group;

PDir Napoleon Taas – OCPNP

PCSUPT Guillermo eleazar ELEAZAR- OIC, NCRPO.

Facebook Comments