Revamp sa PhilHealth, ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng revamp o balasahan sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kasunod ito ng alegasyong ‘overpricing’ sa COVID-19 testing packages ng PhilHealth.

Ayon kay Drilon, posibleng may mga grupo sa loob ng PhilHealth na sinosobrahan ang presyo ng mga test kits.


Punto ng senador, ang P8,150 na halaga ng kada test na sinasagot ng PhilHealth ay doble ang presyo kumpara sa nakukuha ng mga private sector.

Inihalimbawa niya rito ang Philippine Red Cross na nakapagsasagawa ng kaparehong test sa halagang P3,500 lamang.

Una nang ipinaliwanag ni PhilHealth President Ricardo Morales na ang package ay nakabatay sa datos na nakolekta nila noong Marso kung saan limitado pa ang suplay ng test kits.

Tiniyak naman ng opisyal na maglalabas sila ng updated benefit package rate ngayong linggo.

Nabatid na ibinaba na ng PhilHealth sa P4,200 ang halaga ng kanilang testing package para sa mga COVID-19 patients matapos lumutang ang nasabing alegasyon.

Facebook Comments