Revenue collection ng BOC sa unang quarter ng 2023, umabot sa higit ₱200 billion

Nagpapatuloy ang pagtaas ng revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) kung saan sa unang quarter pa lamang ng 2023 ay umabot na ito sa ₱214 billion.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Customs Spokesperson Atty. Vincent Maronilla na mahigpit nilang ipinatutupad ang batas sa pagbubuwis kaya’t naabot nila ang kanilang target revenue collection sa mga nakalipas na taon.

Paliwanag ni Maronilla, kinikilala nila ang pangangailagan ng gobyerno sa karagdagang pondo para sa iba’t ibang programa ng pamahalaan.


Mahigpit na rin aniya ang ginagawa nilang mga hakbang kontra smuggling.

Dahil dito, tiwala ang kanilang hanay na hindi lamang nila basta maaabot ang target para sa susunod na quarter, sa halip ay malalampasan pa ito.

Facebook Comments