Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Oktubre.
Sa pinakahuling datos ng Customs, nakakolekta ang ahensya ng ₱78.616 bilyon noong Oktubre.
Mas mataas ito ng 1.4% o ₱1.084 bilyon para sa target collection nito noong October.
Umabot din sa ₱739 bilyon ang kita ng BOC para sa 10-month period mula January hanggang October 2023.
Habang tumaas din ng 3.57% o P25.482 bilyon ang kita ngayong taon mula sa koleksyon noong nakaraang taon na P713.522 bilyon.
Facebook Comments