Isusulong pa rin ng Deparment of National Defense ang pag review sa Mutual defense treaty
Ito ay kahit na sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na hindi na kailangan pang muling pagaralan ang mutual defense treaty dahil naniniwala at sigurado sila na hindi kailanman mawawala ang commitment ng estados unidos na suportahan ang Pilipinas.
Ang mutual defense treaty ay kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos noon pang taong 1951 na layunin ay suportahan ang isa’t isa sa pag atakeng gagawin ng ibang bansa.
Sa ngayon nais malinaw ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kung pasok ba ang sinasabing “attack” sa mutual defense treaty ang ginagawang pagpasok ng mga chinese vessel sa West Phil Sea.
Maari kasi aniya shooting war ang tinutukoy sa mutual defense treaty.
Naniniwala ang kalihim na kailangan ng mga maayos na interpretayson sa nilalaman ng MDT upang mas maging malinaw ang kanilang aksyon sa anumang sitwasyon.
Inihayag naman ng kalihim na makikipag usap sya isang opsiyal sa pentagon sa kalagitnaan ng buwang ito para mapag usapan ang isyu pero nilinaw na hindi pa ito bahagi ng review sa mutual defense treaty.