Manila, Philippines – Hindi na aapela pa ang Office of the Ombudsman sa ginawang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Senador Bong Revilla may kinalaman sa pork barrel scam.
Ginawang dahilan ni Ombudsman Samuel Martires kaibiguan na ng prosekusyon na maipakita ang mga ebedensiya na nagpapatunay na ang dating Senador ay nagsagawa ng pandarambong sa pamahalaan.
Hindi napatunayan ng prosekusyon na si Revilla ay tumanggap direkta man o hindi direkta ng komisyon at kickbacks sa pork barrel nito noong senador pa siya.
Bagama’t nakalusot na sa kasong plunder, patuloy namang bubunuin ni Revilla ang kanyang 16 na graft charges may kinalaman sa PDAF scam kaya’t ito ay naglagak ng P480,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan sa kasong graft nito.