Friday, February 20, 2026

Revilla, naghain ng petition for bail sa kasong malversation

Kinumpirma ni Atty. Dennis Pulma, ang executive clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division na naghain ng petition for bail si dating Senador Bong Revilla.

Ito’y sa kasong malversation kaugnay ng Php92.8-M  flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa March 6 pa magsisimula ang pre trial conference sa malversation case ni Revilla dahil naantala ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa kanya.

Pagkatapos ng pre trial conference saka lamang itatakda ng korte kung kailan magsisimula ang bail hearing.

Pero sa nakaraang pagdinig sinabi na ng korte na gusto nilang matapos ito sa loob mg tatlumpung araw.

Kaninang umaga isinagawa ang pre trial conference sa Sandiganbayan 6th Division para sa kasong graft ni Revilla at iba pang mga akusado.

Facebook Comments