Revilla, tuloy-tuloy pa rin sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

Tuloy ang pag-aabot ng tulong ng tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga naging biktima ng Bagyong Kristine at Leon sa pamamagitan ng kanyang Bayanihan Relief (BR) program.

Agad na nagpadala ng tubig at pagkain si Revilla sa mga residente ng Paete sa Laguna at Lian sa Batangas na apektado pa rin sa hagupit ng Bagyong Kristine.

Hindi man personal na nakapunta ang senador sa dalawang probinsya dahil balik sesyon na sa Senado, sinigurado niya na makararating sa kanyang mga kababayan ang pinaabot niyang tulong.


Sabi ni Revilla, mabilis na makakabangon ang mga kababayan kung sama-samang magtutulungan.

“Hindi ko man kayo personal na nakasama, tiniyak ko na makakarating sa inyo ang tulong mula sa inyong lingkod”, saad ng senador.

Facebook Comments