Revised Corporation Code of the Philippines, lilikha ng mas maraming negosyo sa bansa

Inaasahang mas makakalikha ng maraming negosyo sa bansa ang Revised Corporation Code of the Philippines matapos na pirmahan ito ni Pangulong Duterte.

Nakapaloob sa batas ang pagpapadali at gawing simple ang corporate governance standards gayundin ang pagkakaroon ng business-friendly environment.

Paliwanag ni Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong, mas maraming negosyo ang ma-e-engganyo na magbukas sa bansa dahil papayagan na ang ‘one-person corporation’ at aalisin ang minimum capitalization requirement sa pagtatatag ng isang korporasyon.


Mas mapapadali na rin ang trabaho ng mga korporasyon dahil pinapayagan na ang pagsasagawa ng pulong ng mga stockholder’s gamit ang makabagong teknolohiya.

Ilan pa sa mga bagong probisyon sa inamyendahang corporation code ay records-keeping, records access, nilalaman ng minutes of board meetings, at pagkakaloob ng kapangyarihan sa securities and exchange commission o sec na magtanggal ng mga directors na layong tiyakin ang pagkakapantay-pantay at transparency ng pinatatakbong korporasyon.

Facebook Comments