Revised draft ng kontrata ng Maynilad at Manila Water, tatapusin ng DOJ ngayong Disyembre

Target ng DOJ na tapusin ang revised draft ng kontrata ng dalawang water concessionaires sa bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, na kapag natapos na nila ang revised draft, ipi-present nila ito sa cabinet meeting sa Enero ng susunod na taon.

 

Ayon sa Kalihim, kapag aprubado na ito ng mga miyembro ng gabinete, saka naman nila ipatatawag sa meeting ang dalawang private concessionaires.


 

Tiniyak ni Sec. Guevarra na aalisin nila ang mga onerous provisions sa kasalakuyang concession agreements ng water companies na sa kanilang paniwala ay dehado ang publiko.

 

Siniguro din ng kalihim na hindi magiging mistulang hostage ng mga water concessionaires ang publiko pagdating ng summer sa susunod na taon.

 

Isinantabi din ng kalihim ang anggulong may bagong water concessionaire na papasok bilang bagong player.

Facebook Comments