Inilabas na ng Malakanyang ang Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) (MIF) Act of 2023.
Batay sa Official Gazette website ng pamahalaan, laman ng IRR ang mga guidelines, procedures at standard sa pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund.
Kabilang dito ang establishment at layunin ng Maharlika Investment Corporation, capital at initial funding, increase of capitalization, corporate powers, function ng Maharlika Investment Corporation at iba pa.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agad na itatatag at patatakbuhin ang corporate structure ng MIF Law kasunod ng kanilang pag-apruba rito.
Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pag-review sa IRR ng Maharlika Fund Law.
Ito ay upang matiyak na ang layunin ng pondo ay maisasakatuparan para sa pag-unlad ng bansa at pangalagaan ang transparency at accountability ng batas.
Inaasahang masisimulan ang operasyon ng MILF Law ngayong December 2023.