Revised manual sa GCTA, tapos na – DOJ

Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na natapos nang rebisahin ang uniform manual para sa Republic Act 10592 o Expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Noong August 2019, bumuo ang DOJ ng komite na pinamumunuan ni Undersecretary Deo Marco para i-review ang implementing rules and regulations (IRR) at ang uniform manual ng GCTA Law.

Pirmado nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año ang revised IRR ng GCTA noong September 16, 2019.


Ayon kay Guevarra, mas malinaw na sa revised manual ang mga isyu na may kinalaman sa heinous crimes.

Aminado si Guevarra na ang paglalabas ng revised uniform manual ay naantala dahil sa ilang isyu.

Ang revised manual ay gagamitin ng Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at sa provincial jails.

Facebook Comments