Nagpasalamat si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, sa ipapatupad ng Department of Education o DepEd na “revised school calendar.”
Base sa anunsyo ng DepEd, ang kasalukuyang academic year ay matatapos sa May 31, 2024 at ang School Year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29, at matatapos sa May 16, 2025.
Tama para kay Castro ang pasya ng DepEd na gawing unti unti ang adjustment sa school calendar hanggang maibalik ito sa dati na ang pasukan ay nagsisimula ng hunyo hanggang marso.
Para kay Castro, mainam na nagkaroon ng dayalogo at konsultasyon sa pagplantsa ng school calendar kung saan pinakinggan ng DepEd ang panig ng mga estudyante, magulang at mga guro.
Facebook Comments