Revised version ng MIF na pinagtibay habang naka-break ang sesyon, pinapabusisi sa Kamara

Iginiit ng Makabayan Bloc sa Mababang Kapulungan ang pagbusisi sa ginawang pagrepaso sa Maharlika Investment Fund o MIF habang naka-holiday break ang sesyon ng Kongreso.

Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, nais makita ng Makabayan Bloc ang opisyal na kopya ng ni-revised na House bill 6608 o panukalang lilikha ng MIF.

Diin ni Castro, may aspetong ligal na dapat masagot kung bakit binago ang panukala na inaprubahan na sa ikatlo ang huling pagbasa ng Kamara.


Sa ilalim ng re-engineered version ng House bill 6608, inalis na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Development Bank of the Philippines (DBP) sa mga pagkukunan ng pondo para sa MIF.

Nangangamba naman si Castro, kung hindi na pagkukunan ng pondo ang BSP at DBP ay malaki ang posibilidad na magalaw ang taxpayers’ money.

Kaugnay nito ay muling isinulong ni Castro na sa halip MIF ay mainam na magpatupad na lang ng Wealth Tax o pagpapataw ng buwis sa mga pinakamayayaman sa bansa.

Facebook Comments