Manila, Philippines – Lumusob at nagsagawa ng programa ang Pro at Anti-Duterte sa apat na lugar sa Manila kabilang ang Liwasang Bonifacio, CM recto kanto ng Loyola, Solano Street tapat ng DBM at sa Mendiola.
Unang nilusob ng Anti-Duterte ang Mendiola pero hindi sila nakaporma sa Mendiola na magsasagawa sana ng protesta laban sa isinusulong na Revolutionary Government dahil agad silang hinarang ng mga pulis.
Kanina ay nagmamartsa ang nasa 2-libong miyembro ng iba’t-ibang Anti-Duterte groups patungong Mendiola mula sa Liwasang Bonifacio at UST España pero pagdating sa may kanto ng Legarda at San Rafael Street ay humarang ang mga Pro-Duterte na nagsusulong ng revolutionary government.
Kinantsawan sila ng mga Pro-Duterte kaya napilitan ang mga Anti Duterte na umiwas na lamang at maghanap na lamang ng ibang lugar.
Nagpatuloy na lamang sila sa pagmamartsa sa P. Casal at sa may Malacañang gate na lamang sa Solano Street sa may DBM sila magsasagawa ng programa.
Kabilang sa mga Anti-Duterte group na tutungo sana sa Mendiola ay ang Bukluran ng mga Mangagawang Pilipino, Alliance of Trade Union, Partido Lakas ng Masa, Sanlakas,Socialista , Alyansa Tigil Mina at Bangsa na nasa 2 libong katao rin naman na Pro-Duterte ang nasa Mendiola at nagsasagawa ng kanilang programa.