REVOLUTIONARY GOVERNMENT | Bansa, magkakagulo kapag pinilit – VP Robredo

Manila, Philippines – Nagbabala si Vice President Leni Robredo na maaring magdulot ng malaking kaguluhan sa bansa ang pagtutulak ng revolutionary government.

Sa isang panayam matapos ang wreath laying ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan, sinabi ni Robredo na bagamat pinanghahawakan niya ang salita ni President Rodrigo Duterte na hindi ito magdedeklara ng revolutionary government, may ilang grupo naman ang gumagalaw para igiit ang pagsusulong nito.

Gayunman, malinaw na ang interest ng mga grupong ito ay maipuwesto ang kanilang mga sarili sa kapangyarihan sa sandaling magtagumpay ang Federalismo.


Hindi rin aniya maaring idahilan sa pagdedeklara ng revolutionary government ang ginagawang destabilisasyon ng ilang grupo dahil mismong ang Defense Department at AFP na ang nagpabulaan namay ganitong pagkilos.

Facebook Comments