Revolutionary government, banta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko ng administrasyon

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagdedeklara ng revolutionary government hanggang matapos ang kanyang termino dahil sa nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno.

Sa isang interview, sinabi ni Duterte na mapipilitan siyang magdeklara ng revolutionary government kapag hindi tumigil ang mga kumakalaban sa gobyerno.

Maliban rito, mapipipilitan rin aniya siyang bakantehin ang lahat ng posisyon sa gobyerno.


Ipaaaresto rin aniya niya ang mga kumakalaban at naghahasik ng kaguluhan sa pamahalaan.

Nilinaw naman ng pangulo na hindi siya nananakot at gusto lamang niyang ubusin ang mga tao o grupong hindi nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Itinuro naman ng pangulo ang CPP-NPA-NDF na isa sa mga grupong aktibo sa destabilisasyon sa gobyerno.

Facebook Comments