Revolutionary Government, masyado nang late bilang workable concept ayon kay Panelo

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na masyado nang huli bilang workable concept ang panukalang Revolutionary Government (RevGov).

Ito ang pahayag ng Palace Official sa gitna ng panawagan ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang RevGov.

Ayon kay Panelo, maaaring isalang ito para sa akademikong talakayan.


Paliwanag pa niya, ang anumang panawagan para sa RevGov ay kailangang manggaling mula sa taumbayan at hindi lamang mula sa isang organisasyon o indibiduwal.

Pero aminado si Panelo na dati ay binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan para sa RevGov.

Para kay Panelo, nagtagumpay ang Pangulo na maipatupad ang mga mahahalagang pagbabago sa kabila ng pagtutol ng minorya.

Nabatid na nanawagan ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na magtatag ng Revolutionary Government hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Facebook Comments