Revolutionary govt., daan para matanggal sa pwesto si P-Duterte – Senator de Lima

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Leila de Lima na ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagdedeklara ng revolutionary govt ang ikatatanggal nito sa pwesto.

Paliwanag ni de Lima, nakaluklok si Pangulong Duterte ngayon dahil umiiral ang ating konstitusyon.

Ayon kay De Lima, kapag ipinatupad ang revolutionary government ay mawawalan ng bisa ang ating konstitusyon kaya mawawaaln din ng legal nabasehan ang pananatili sa pwesto ng pangulo.


Sa puntong ito ay tanging ang Armed Forces of the Philippines o AFP lang aniya ang magkakaroon ng kapangyarihan.

Kapang nangyari ito, tiwala si De Lima na hindi na kikilalanin pa ng AFP ang isang leader na katulad ni Duterte na nagpapakatuta lang sa china at halos ipamigay na lang ang ating teritoryo.

Facebook Comments