Kumita ng P5.3 bilyon ang New Peoples Army (NPA) mula sa tinaguriang revolutionary taxes sa loob lang ng dalawang taon mula 2015 hanggang 2017.
Ito ang binunyag ni AFP spokesman Colonel Edgard Arevalo na sinabing “large scale extortion” ang maitatawag sa pangongolekta ng NPA ng pera sa mga pribadong kampanya.
Una nang kinuwestyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pisong kinokolekta ng NPA, matapos kanselahin ng Pangulo ang usapang pangkapayapaan nitong nakalipas na taon.
Kinontra kasi ni Lorenzana ang sinabi ni Fidel Agcaoli ng National Democratic Front (NDF) na ang pondo ay ginagamit umano para sa mga mahihirap at hinamon si Agcaoili na iharap ang mga mahihirap nilang natulungan.
Giit ni Lorenzana, ang koleksyon ng NPA ay pinangtutustos sa marangyang pamumuhay ng iilang mga matataas na opisyal ng CPP/NPA.
Siniguro naman ni Arevalo na pinaigting na ng AFP ang kampanya para i-dismantle ang mekanismo ng NPA na patuloy na ginagawang gatasan ang mga pribadong negosyo.