REWARD | 13 PDEA informants tumanggap ng P3.17-M

Naghati-hati ang labintatlong civilian informants sa 3.17 million na cash reward na ipinagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay bilang pabuya sa ipinagkakaloob ng mga ito na anti-drug information na nagresulta sa pagkakahuli ng mga drug suspects at pagkakakumpiska ng mga illegal na droga sa ilalim ng PDEA Operation na “Private Eye”.

Sa isinagawang seremonya sa PDEA National Headquarters sa Quezon City, kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naiambag ng mga impormante na tinukoy lamang sa kanilang codenames na Efren, El Guapo, Garfield, Aser, RK, Cobra, Ada, Spade, Chard, Bungo, Abe, Dang at Bantay.


Sa lahat ng impormante, nabatid na si Efren ang nakatanggap ng pinakamalaking reward na umabot sa mahigit P986,000 habang si Bantay ang nakakuha ng pinakamababa na mahigit 14,000.

Ayon kay Aquino, ang operation ‘Private Eye’ ay isang citizen-based information collection program na idinisenyo upang hikayatin ang mga pribadong mamamayan na tumulong sa kanilang kampanya sa illegal na droga, sa pamamagitan nang pagre-report ng illegal drug activities sa kanilang mga komunidad.

Ang mga nais umanong lumahok at makiisa sa programa at magbigay ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidad sa kanilang lugar upang maging eligible sa Private Eye rewards.

Facebook Comments