Manila, Philippines – Kabuuang 27.6 milyong pisong cash ang ibinigay ng Armed Forces of the Philippines sa kanilang sampung informants.
Isinagawa ang simpleng awarding of reward ceremony sa multi-purpose hall ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo.
Pinangunahan mismo ito ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang seremonya na personal na inabot ang pera sa mga sampung infomants.
Ang sampung informants ay naging dahilan ng pagkakaaresto at pagkakapatay ng sampung threat personalities kabilang na si Ahmad Akmad Batabol alias Abdul Basit and Basit Usman na may patong sa ulong mahigit anim na milyong piso.
Ang cash reward system ay nagsimula noong taong 2001 na layuning hikayatin ang bawat Pilipino na tumulong sa counter terrorism at counter insurgency efforts ng AFP.