Reward money inalok sa makakatulong makaresolba ng pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naglabas na ng P100,000 na reward money ang Mabalacat, Pampanga Local Government Unit (LGU) para sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumatay sa mag-asawang online seller na sina Lerma at Arvin Lulu.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, sa ngayon tukoy na ang isa sa mga gunmen o backrider ng riding in tandem suspek na pumatay sa isa sa mga biktima.

Kumukuha na lamang aniya ng mas malinaw na kopya ng CCTV footage ang pulisya bilang ebidensya sa krimen.


May hawak na ring testigo ang PNP na nakakilala sa backrider o isa sa mga gunmen at kanyang sinabing may previous transactions ang suspek sa mga biktima.

Matatandaang nitong Oct 4, 2024 nang pagbabarilin ang mag asawa habang sakay ng kanilang pick-up truck sa Mexico, Pampanga.

Facebook Comments