Reward Money Sa Driver Ni Sen. Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan, Tumaas!

4

PANGASINAN – Tinaasan pa ang reward money para sa makapagtuturo sa pinagtataguan ng dating driver ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Ayon kay Pangasinan acting Provincial Police Director, Senior Supt. Ronald Lee, isang hindi nagpakilalang negosyante sa Pangasinan ang nag-alok ng dagdag na 100,000 pesos para sa ikadarakip ni Ronnie.Bunsod nito, umaabot na ngayon sa P200,000 ang pabuya para kay dayan kung saan una ng nag-alok ng 100,000 pesos ang Volunteers Against Crime and Corruption matapos maglabas ng warrant of arrest ang House Committee on Justice.Samantala, patuloy naman ang pagsusulong ni House Deputy Minority Leader at Kabayan Rep. Harry Roque na makasuhan si De Lima kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison.Nitong makaraang linggo, naghain ng dissenting report si Roque upang tutulan ang ipinalabas na findings ng House Committee on Justice kaugnay sa iligal na transaksyon ng droga sa bilibid.

Facebook Comments