Isang linggo matapos ang malagim na pagsabog, umakyat na sa anim na milyong piso ang patong sa ulo ng mastermind sa jolo, sulu twin bombing at mga kasamahan nito.
Ito ay makaraang magbigay ng tatlong milyong pisong reward money si Zamboanga City Mayor Beng Climaco para sa makapagtuturo o makakahuli sa mga nasa likod ng pagpapasabog sa Jolo na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 75 na iba pa.
Ayon kay Climaco, patuloy ang man-hunt operation ngayon ng mga otoridad kay Abu Sayyaf Group Sub-Leader Mundi Sawadjaan na itinuturong utak sa pagpapasabog sa Jolo noong nakaraang linggo.
Kaparehong halaga rin ang inilaan para naman sa ulo ng Indonesian national na si Andi Baso na isa rin sa mga suspek sa kambal na pagsabog.
Bukod sa dalawa, patuloy rin ang operasyon ng militar para mahuli ang Indonesian national na si Reski Fantasya alyas Cici, ang asawa ni Baso at suspek sa Jolo cathedral.