Reward ng Kamara kay Carlos Yulo, itinaas na sa ₱6-M; pensyon at dagdag na benepisyo para sa mga atleta, planong isulong din sa Kamara

Dahil dalawa na ang Olympic gold medal ay itinaas na rin ng Kamara sa anim na milyong piso ang insentibong na ibibigay kay Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo.

Ayon kay Romualdez, mahalaga ang suporta at pagkilala sa tagumpay ng ating atleta katulad ni Yulo na nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino.

Bunsod nito ay inatasan ni Romualdez ang kaukulang komite sa Kamara na pag-aralan ang pagsusulong ng panukalang mag-aamyenda sa Republic Act No. 10699 o “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”.


Layunin ng hakbang ni Romualdez na madagdagan ang mga benepisyo na ibinibigay ng gobyerno sa mga atletang nakakakuha ng medalya sa Olympics.

Sabi ni Romualdez, kabilang sa kanilang tinitingnan ang pagbibigay sa mga atleta ng pensyon mula sa edad na 40 o sa kanilang pagreretiro larangan ng palakasan.

Inihalimbawa ni Romualdez ang karangalang hatid nina Yulo, Hidilyn Diaz at ang ating mga Olympians hindi natin kailanman masusuklian, pero maaaring kilalanin sa pamamagitan ng pagbibigay ng benepisyo mula sa pamahalaan.

Sabi ni Romualdez, iimbitihan nila sa Kamara ang mga Filipino athletes, kasama ang mga nagkamit ng medalya sa Olympics at iba pang international sports events, pati ang kanilang mga coaches para sa konsultahin kaugnay sa nabanggit na panukala.

Facebook Comments