Manila, Philippines – Ipinasakamay ni PDEA Director General Aaron Aquino ang Mahigit labing apat na milyong pesos na reward money sa labindalawang informants sa ilalim ng Operation: Private Eye na nagbunga sa pagkakaaresto ng mga drug personalities at pagkakasabat ng illegal na droga.
Ang Operation: Private Eye ay ang reward at incentive scheme ng PDEA na may layuning mahikayat ang mga sibilyan na iulat ang nangyayaring drug trade sa kanilang komunidad.
Kinilala ni Director General Aquino ang mga sa mga informants sa mga codenames: Ador, Sakuragi, Jacpat, Kidlat, 24, Bungo, Mike, Kulas, Sandro, Ex Boy, Abo at Agila.
Si “ Ador ” ang nakatanggap ng pinakamalaking reward na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso dahil nakatulong ang impormasyon niya sa pagkakasabat ng PDEA ng shabu na may timbang na 44,022 grams at pagkaaresto ng apat na drug personality sa Barangay Manresa San Juan City noong December 2016.
Si Sandro na nakatanggap ng maliit na bahagi ng reward na 22,119 dahil sa nasamsam na 5,485 grams ng shabu at pagkatimbog ng dalawang drug suspects sa Kapangan, Benguet noong April 2017.