
Nabura na ang reward system at recycling ng iligal na droga sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, matagumpay na nabuwag ng kasalukuyang administrasyon ang ganitong sistema na nanghihikayat ng korapsiyon at illegal drug recycling sa mga enforcement officer.
Sinabi ni Remulla na noong nakaraan, ang reward system ang nagiging dahilan ng pagpatay sa mga drug suspects at pagtatanim ng mga ebidensiya para lamang makuha ang cash reward.
Binanggit din nito ang mga “ninja cops,” na kinukuha ang 90% ng nakumpiskang droga at isu-surrender lamang ang 10% sa mga awtoridad at ire-recycle ang mga naitabing droga para ibenta.
Aniya, nawala ang ganitong mga sistema matapos ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na ihinto ang “bodega” operations para mapigilan ang hoarding ng iligal na droga at ipatupad ang no-reward policy.









