Iginiit ni PROMDI presidential candidate Sen. Manny Pacquiao sa gobyerno ang pagpapatupad ng reward system para sa mga law enforcers at informants na makakatulong sa pagbuwag ng mga malalaking sindikato ng ilegal na droga.
Paliwanag ni Pacquiao, ang pananakot sa mga drug pusher ay hindi mabisang paraan para makamit ang tagumpay ng gyera kontra ilegal na droga.
Para kay Pacquiao, hindi sapat ang “tokhang” na ipinatupad ng administrasyong Duterte para mapilay ang pagdating ng suplay ng ilegal drugs sa bansa.
Sabi ni Pacquiao, ang tokhang ay nakatutok lang sa mga maliliit na pusher o nagkakalat ng ilegal na droga at hindi sa pinagmumulan ng suplay nito.
Binigyang diin ni Pacquiao na ang mga mahuhuling sangkot sa ilegal na droga ay dapat ipakulong at hindi patayin upang mabigyan pa sila ng pagkakataon para makapagsimula at makapagbagong buhay.