Hinatulang guilty sa kasong illegal possession of prohibited drugs si Reynaldo Parojinog Jr.
SI Reynaldo Jr. ay anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. na napatay sa isang anti-illegal drugs operation sa Ozamis City noong taong 2017.
Habambuhay na pagkakabilanggo ang naging sentensya ni Judge Nadine Fama ng Quezon City Regional Trial Court Branch 79 kay PAROJINOG makaraang makakita ng sapat na ebidensya na nakuhanan siya ng higit 50 gramong shabu noong July 30, 2017.
Bukod sa hinatulang kaso, May dalawa pang kaso si Parojinog sa Quezon City: ito ay ang illegal possession of firearms at illegal possession of explosives.
Samantala ang kapatid nitong Vice Mayor Nova Parojinog ay nahaharap pa rin sa mga drug cases, at illegal possession of firearms and explosives.