Inanunsyo ng Pamahalaang lungsod ng San Juan na magpapatupad ito muli ng on-site AutoSweep Radio-frequency identification (RFID) installation na gaganapin sa harap mismo ng city hall.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, unang 2,000 sasakyan lang ang lalagyan ng RFID na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga sa Decemeber 15, 2020.
Bago aniya pumila, kailangan na magdala katibayan na residente ito ng lungsod, nasagutan na ang auto-sweep form at P200.
Ang AutoSweep RFID ay para sa toll ways ng South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Start, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Matatandaang, unang nagsagawa ng RFID installation sa lungsod ng San Juan noong November 27, 2020 na para sa Easytrip, kung saan 1,000 na mga sasakayan ang nalagyan nito.