RFID system para sa contactless payments, ipapatupad na sa NLEX at SCTEX

55

Gagamit na ng Radio-Frequency Identification (RFID) system ang dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon para sa ipapatupad nitong contactless payments.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa September 30, phase out na ang Easytrip tags na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Bukas na para sa mga motorista ang RFID sticker installation sites sa NLEX Bocaue toll plaza, Balintawak toll plaza, Tabang at San Fernando Customer Service Centers at sa Philippine Arena.

Facebook Comments