
Tiniyak ng Toll Regulatory Board (TRB) na patuloy ang pag-aayos at pag-upgrade sa RFID system sa mga expressway upang maiwasan ang matinding trapik sa papalapit na Kapaskuhan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz, mas bumilis na ang pagbabasa ng RFID matapos i-upgrade ang mga kagamitan at sistema ng mga toll operators.
Aniya, iilan na lamang ang mga isyu gaya ng unread RFID tags at agad itong inaaksiyunan ng mga naka-standby na technicians at RFID personnel sa mga toll plaza.
Layunin ng mga hakbang na ito na maiwasan ang mahabang pila at pagsisikip ng trapiko sa mga RFID lanes, lalo na ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero bago ang Pasko.
Facebook Comments









