Patuloy sa pag-iikot sa mga bara-barangay sa kanilang bayan ang RHU Bayambang para makapagbigay ng mga kaalaman ukol sa banta ng animal rabies, kaya naman mas pinalalawig pa ng ahensya ang pagbibigay kaalaman sa mga mamamayan bilang ang buwan ng Marso ay Rabies Awareness Month.
Sa datos kasing naitala ng RHU sa bayan ng Bayambang, umabot sa higit limang libo o 5,254 na kaso ng animal bite ang kanilang naitala sa loob ng tatlong taon, pinakamataas noong 2021 kung saan umabot ng 1,995 ang naitalang kaso ng animal bite.
Ngunit kahit marami ang naitalang kaso sa bayan sa loob ng tatlong taon ay wala pa naman daw naitatalang rabies death case sa bayan.
Kabilang sa mga top 5 barangays na apektado ng ganitong klase ng kaso ay Barangay Cadre Site, Tambac, Buenlag 1st, Manambong Sur, at Bacnono.
Samantala, ang pagdeklara sa buwan ng Marso bilang Rabies Awareness Month ay para mabigyan ng paalala ang lahat ng mga pet owners na maging responsable sa kanilang pag-aalaga sa kanilang mga hapon para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng rabies. |ifmnews
Facebook Comments