RHU SAN MANUEL, HUMAKOT NG PARANGAL SA 1ST ISABELA LOCAL HEALTH SYSTEM SUMMIT 2024

 

Cauayan City – Hindi lang isa o dalawa kundi 7 parangal ang naiuwi ng Rural Health Unit ng bayan ng San Manuel sa 1st Isabela Local Health System Summit 2024, na naganap noong ika-19 ng Setyembre, sa Zen Hotel, Santiago City, Isabela.

Kabilang sa mga parangal na kanilang natanggap ay ang Health Workforce Champion, Best Konsulta Partner, Outstanding Health Policy Implementer, Functional Epidemiology and Surveillance Unit, Good Practices on Mental Health, Institutionalized Disaster Risk Reduction and Management Health 2022-2023, at Support and Contribution in Strengthening the Local Health System.

Ang nabanggit na mga parangal ay personal na tinanggap ni Municipal Health Officer Dra. Nikki Rose Agcaoili, kasama si Municipal Administrator Amado Santos Jr., at Municipal Nurse 1 Mary Grace T. Eclar.


Ang mga parangal na natanggap ng RHU San Manuel ay simbolo ng kanilang dedikasyon, kooperasyon, at buong pusong paghahatid serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng bayan ng San Manuel.

Samantala, pinasalamatan naman ng tanggapan ang suporta ng Alkalde ng bayan ng San Manuel na si Municipal Mayor Hon. Faustino Dy IV, pati na rin ang Legislative Department at iba pang opisina ng LGU San Manuel.

Facebook Comments