Kinuwento ng aktres na si Rica Peralejo ang mga pinagdaanan bago isilang ang bouncing baby boy sa kanilang tirahan.
Sa kanyang Instagram post, sinalaysay ni Peralejo na 25 oras siyang nag-labor at walang gamot na inilalagay.
“Let me just say that it was a miracle to actually do homebirth, vbac (vaginal birth after caesarian), and to remain completely unmedicated all throughout the labor. So many times I wanted to quit… but somehow strength came to my bones and body.”
Taos-pusong pinasalamatan ni Rica ang Diyos at mga taong pinagdasal na maging maayos ang kanyang panganganak.
“In those 25 hours his heart rate stayed completely perfect. Never went down. God protected my child through and through.”
Sa isa pang post, sinabi ng aktres na limang taon ang kanilang hinintay para magkaroon ng bagong kapamilya.
“How can I not shed tears if it had to take five years, 38 weeks of praying God will sustain him, 25 hours of labor before I can finally have this boy? His papa, kuya, and I, have longed for him deeply.”
Pangalawang supling ang ipinanganak ni Rica sa asawang si Joseph Bonifacio na kanyang pinakasalan noong 2010. Ang kanilang unang anak na si Philip ay limang taong gulang.