RICE DISTRIBUTION, ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG ISABELA

CAUAYAN CITY – Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ang nasabing pamamahagi ay ginanap sa bayan ng Reina Mercedes, Aurora, at Cabatuan.

Umabot sa 4,676 na mga mangingisda, PWDs, TODA members at barangay frontliners ang nakatanggap ng bigas.


Layunin nito na magkaroon ng sapat na bigas ang bawat pamilya sa mga nabanggit na lugar.

Ang nasabing pamamahagi ay sa ilalim ng pamumuno nina Governor Rodito Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.

Facebook Comments