RICE FARMERS, TUMANGGAP NG FERTILIZER DISCOUNT VOUCHERS

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng Fertilizer Discount Vouchers ang mga kwalipikadong rice farmers kahapon ika-10 ng Setyembre sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ang naturang vouchers ay nagmula sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 2 sa ilalim ng National Rice Program.

Layunin ng programa na tulungan at bigyang suporta ang mga lokal na magsasaka para mapataas ang kanilang kita at produksyon.


Samantala, ang pamamahagi ay dinaluhan ng mga opisyal ng Tumauini, tauhan ng Liga ng Barangay, at kinatawan ng Municipal Agriculturist.

Facebook Comments