Rice for All Program, ilulunsad na sa Biyernes —DA

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng paglulunsad sa Biyernes ng Rice for All Program.

Ayon kay DA Spokesperson Arnel De Mesa, layon nito na magbenta ng murang bigas sa halagang ₱45 o mas mababa pa.

Ito ay hiwalay sa P29 Program o ang ₱29 na murang bigas.


Ibebenta ang murang bigas sa ilalim ng Rice for All Program sa mga tumatakbong Kadiwa stores.

Kasunod ito magdaragdag pa ng tatlong Kadiwa stores para mapalawak ang mga lugar na mapagbibilhan ng murang bigas.

Tatlong sites din ang bubuksan sa susunod na linggo sa Laguna, Cavite at Batangas para sa bentahan ng ₱29 na kada kilo ng bigas.

Facebook Comments