Rice for all program, isasagawa rin sa Visayas at Mindanao ayon sa DA

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na makakabili rin ng murang bigas ang mga nasa Visayas at Mindanao.

Ito ang tiniyak ni DA Assistant Secretary for Consumer and Legislative Affairs Atty. Jenivev Guevarra kasunod ng paglulunsad ng Rice-for-All program sa Bureau of Plant Industry sa San Andres, Maynila.

Sinabi ni Guevarra na posibleng sa susunod na linggo ay maipatupad na ang programa sa Cebu at Davao upang makabili na rin ang mga residente doon ng murang bigas.


Ang Rice-for-All program ay ikinasa para makabili ng P45 kilo na well milled rice ang publiko bukod pa sa P29 program para sa mga vulnerable sectors.

Bukod sa San Andres, Maynila, nagsimula na ring nagbenta ng ₱45 kada kilo sa Caloocan, Malabon at FTI sa Taguig.

Meron na rin mabibili na murang bigas sa Antipolo City at Sta. Rosa Laguna katuwang sa mga Kadiwa Stores.

Tiniyak ng DA, maraming suplay ng bigas ang kanilang mga partners kung kaya’t pangmatagalan ang programang ito.

Facebook Comments