Rice for All program, palalawakin pa ng DA sa susunod na mga araw

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na lalawak pa ang aabutin ng Rice for All program kung saan makabibili ng murang bigas.

Ito’y matapos ianunsyo ng kagawaran na simula bukas ay makabibili na sa apat na Kadiwa center sa Metro Manila ng ₱45 na kada kilong bigas.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, sa mga susunod na araw inaasahang madaragdagan pa ang Kadiwa sites na magbebenta ng murang bigas.


Sa ngayon kasi, ang mga handa pa lang na magbenta ng murang bigas ay ang mga Kadiwa site.

Facebook Comments