
Target ng Department of Agriculture (DA) na ilunsad sa 2025 ang Rice for All, Nutri Rice, at Sulit Rice o mas murang bigas para sa lahat ng Pilipino.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na layunin ng mga programang ito ay mas mapababa pa ang presyo ng bigas.
Sa ilalim ng Rice for All ay ibaba pa sa ₱38 pesos ang kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores.
Sa lalim naman ng Sulit Rice, 100% broken ito pero maputi at magandang klase at mabibili ng ₱35 hanggang ₱36 kada kilo.
Habang ang Nutri Rice naman ay bigas na nasa pagitan ng well milled at brown rice, na mas maraming fiber, nutrients, at minerals, na mabibili sa ₱36 hanggang ₱37 kada kilo.
Madali aniyang mabusog kapag ito ang kinain at ang ratio ng tubig nito sa bigas ay 2 is to 1.









