Tinanggalan ng lisensya ng National Food Authority (NFA) ang dalawang rice traders sa Iligan City dahil sa rice hoarding.
Ayon kay NFA acting Administrator Tomas Escarez, natuklasan ng joint task group against rice hoarding na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago ng stocks ng bigas ang mga negosyante na sina Sonia Payan, isang Filipino-Chinese at Taiwanese na si Jhonny Tan.
Ang dalawang rice traders ang kauna-unahan ding inaresto mula nang paigtingin ang kampanya laban sa mga rice hoarders na siyang ipinag-utos ng Pangulo.
Kinumpiska din ang higit sa labing siyam na libong bags ng bigas at dalawang cargo trucks na nakita sa apat na warehouse na sinalakay ng task group.
Bukod sa pinagmulta at sinampahan ng kaso sa korte hindi na papayagan ng NFA na makapagnegosyo ng bigas ang dalawang traders.