Tumaas ng 58 percent o P2.04 billion ang nakolektang taripa ng Bureau of Customs (BOC) mula sa rice imports noong Enero mula sa P1.29 billion na nakolekta sa parehong panahon noong 2020.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, batay sa kanilang preliminary data lumalabas na ang halagang nakolekta noong Enero ay mula sa imports na 287,957 metric tons (MT) ng bigas mula sa 223,278 MT na dinala sa bansa noong nakaraang taon.
Batay rin sa BOC’s electronic-to-mobile (e2M) system, lumalabas na sa year-on-year ang average valuation ng rice imports ay tumaas ng 11.5 percent ng naturang buwan.
Matatandaan na noong January 2020, ang average value ng rice imports ay P18,177 per MT kung saan tumaas ito ng P20,262 per MT noong January 2021.
Facebook Comments