Rice importation, sinuspinde ni PBBM dahil sa magandang ani ng mga magsasaka —Palasyo

Ipinaliwanag ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ng 60 araw ang importasyon ng bigas simula Setyembre.

Sa press briefing dito sa New Delhi, India, ipinaliwanag ni Palace Press Officer Claire Castro, na ito ay para tiyaking hindi malulugi ang mga lokal na magsasaka sa gitna ng kanilang magandang ani ngayon at mapanatili ang patas na presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Castro, napupuno na ang mga bodega ng National Food Authority (NFA) dahil patuloy itong bumibili ng palay mula sa mga magsasaka.

Kung magpapatuloy aniya ang pag-angkat, ay posibleng bumagsak ang presyo ng lokal na bigas at maabuso ang merkado ng ilang negosyanteng mapagsamantala.

Facebook Comments