Kumikilos na ngayon ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para matukoy ang mga rice importer at trader na nag-iipit ng bigas.
Sa ngayon, mura ang farm gate ng palay pero sobrang mahal ng bigas.
Ayon kay Noel Reyes na tagapagsalita ni DA Secretary william Dar, malinaw na may nagsasamantala sa industriya ng bigas at ginagamit ang magandang layunin ng Rice Tariffication Law.
Isa sa nakiktang ugat ng problema ang mabagal o pag-iipit ng bigas ng traders na dapat ay kumakalat na sa merkado.
Sa ngayon, 1.5 milyon to 2 milyon metric tons na imported na bigas ang naipasok na sa bansa.
Samantala, aminado ang Department of Agriculture na hindi nila mapapanagot at mapapagsabihan lang nila ang mga masisitang nananamantala.
Gayunman, makikipag-ugnayan ang DA sa iba pang sangay ng gobyerno para mapanagot at hindi na makakuha ng permit to operate ang sinomang traders na lalabag.